November 2011

Bakit ba tuwing nakikita ko yung isang taong yun lagi akong nawawala sa katinuan? Palagi akong naiinis at gustong magwala! Ano bang meron at bakit kailangan kong maramdaman yun? Ano ba ang gusto mong ipamukha sa akin? Hindi ko alam kung nananadya ba ang buhay o may gusto lang s’yang isampal sa akin. Sa totoo lang, hindi naman ako dapat naiinis sa’yo dahil wala ka namang ginagawa talaga sa akin. Sa buhay ako dapat magalit at mainis dahil ito ang gumagawa ng paraan para maramdaman ko ito. Pasensya ka na kung sa’yo ko naiinis pero hindi ko talaga mapigil ang sarili kong mainis ako sa’yo tuwing nakikita kita. Kahit anong iwas ang gawin ko, kusa kang sumusulpot para makita ko. Bakit? Ano bang meron?

Aminin natin, mahirap ang mag-hintay sa tamang tao para sa atin. Ito raw kasi ang dapat nating gawin dahil kung pilit nating hahanapin ang tao para sa atin, mas lalo itong magiging mailap. Kusa raw darating ang pag-ibig ng ating buhay sa tamang panahon.
Pero tama ba nga ito? Tama nga ba ang mag-hintay na lang na kusa itong dumating? Hindi na tayo gagawa ng paraan para maging malapit sa taong gusto na natin? Mananahimik na lang ba tayo sa isang sulok at panunuorin ang ibang tao? Paano kung may nagustuhan tayong tao pero wala kang gagawin dahil sa paniniwalang ang tadhana ang gagawa ng paraan para maging kayo? Hanggang tingin ka na lang ba?
Paano kung ang tadhana lang naman ang nagpapakilala ng taong para sa atin at tayo na ang bahala para pagbuo ng isang magandang relasyon? Paano na kung nag-hintay lang tayo? Edi tayo ang talo!
Totoo, marami na ang naging biktima ng pag-ibig. Marami na ang nakaranas nito dahil sa pag-hihintay. Maraming umiyak dahil hindi nila namamalayan na ang taong nakakasalamuha nila ay s’ya palang nakatakda sa kanila ngunit kanila itong napakawalan.
Hindi ba pwedeng mag-kita sa gitna ang paniniwalang ang tadhana mismo ang nagpapakita ng taong nakalaan sa atin at ng paggawa ng paraan para matuloy ang isang magandang hinaharap kasama s’ya? Isa itong paraan para maiwasan ang kasawian.